COURAGE IN THE TIME OF COVID-19
If there is a silver lining to this pandemic, it is that courageous individuals emerge from the fold, helping to restore our faith in humanity.
Through their selfless acts and generous sacrifices, they help others rise above the storm and remind us that there is, indeed, something that we can do to help. Whether it’s serving at the frontlines, helping a neighbor in need, distributing relief goods, or opening up our own homes to those in need, we can contribute in our own unique ways. In the face of tragedy, ordinary Filipinos will do the extraordinary.
Rosalia Ducut
While her entire family stayed in Metro Manila, Rosalia Ducut, 52, a barangay health worker and barangay nutrition scholar of Sta. Lucia Health Station decided to head back home to Lubao, Pampanga, hoping to help others in time of need.
Taong 1997 nang manirahan kami sa Pampanga. Nang magkatrabaho ang asawa ko sa Makati, naiwan sa akin ang mga anak ko. Pero nang umabot na sila sa kolehiyo, napagdesisyunan naming mag-asawa na sa Manila sila mag-aral.
Ako naman, nagpaiwan at nag-volunteer bilang barangay health worker. Mahirap ang trabaho namin. Bukod sa tulungan at ipagamot ang tao sa komunidad, kami’y may responsibilidad din na magturo at magbahagi ng tamang impormasyon sa kanila. Isa sa mga biggest challenges namin ay ang pagkumbinsi
sa mga magulang tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga sanggol, lalo na ng nagkaroon
ng kontrobersya sa dengvaxia. Ang bakuna ay isa sa mga paraan upang maprotektahan ang sarili sa mga virus.
Simula ng maging BHW–BNS ako, may mga araw man na nakakapagod, nararamdaman ko ang selffulfillment sa mga naseserbisyuhan ko. Kahit sa maliit na paraan ay alam kong nakakatulong ako sa kapwa ko. At lalo na ngayong nasa panahon tayo ng pandemic, mahirap talikuran ang tungkulin dahil nangangailangan ng mas maraming taong pwedeng tumulong.